APRUBADO

Travel tax exemption para sa mga OFWs, aprubado na

National News

APRUBADO na ng Kamara ang House Bill No. 6138.

Ito ay ang panukalang travel tax exemption para sa mga Overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya.

Sa ilalim ng panukala, pinapalawig nito ang saklaw ng exemption kabilang ang mga anak ng “solo parents” na OFWs.

Sa ngayon ay masyado umanong “discriminatory” ang batas sa pagitan ng mga legitimate at illegitimate children.

Sinabi ito ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, may akda ng panukalang batas.

Ayon kay cua, walang dahilan para hindi bigyan ng kaparehas na privilege ng travel tax exemption ang mga kabataan ng OFWs.

Dahil lamang ang kanilang mga magulang ay hindi kasal.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *