Malayao

NDFP Consultant Randy Felix Malayao, patay sa pamamaril

National News

PATAY ang Peace Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Randy Felix Malayao.

Matapos pagbabarilin sa loob ng pampublikong bus sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Nueva Vizcaya PNP, pasado alas dos ng madaling araw nang maganap ang pamamaslang.

Tulog aniya ang biktima sa loob ng bus nang sumakay ang gunman at nilapitan ito saka pinagbabaril.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at ang nasa likod nito.

Matatandaang bago kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa NDFP, si Malayao ay dumalo sa formal peace negotiations sa Europa.

Bilang consultant mula Cagayan Valley at isa rin ito sa naging tagapagsalita ng grupo.

Wala naman kinakaharap na kaso sa korte si Malayao.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *