PINATATANGGAL na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga posters ng mga tatakbong kandidato sa 2019 midterm elections.
Kungsaan ang mga ito ay hindi nakalagay sa common poster areas.
Kaugnay ito sa pagsisimula bukas, Pebrero 12 ng campaign period para sa national candidates.
Ang mga kandidatong lumalabag sa polisiya hinggil sa campaign poster ay maaring maharap sa anumang kaparusahan.
Sinabi ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez.
Maituturing aniya na iligal ang paglalagay ng mga campaign materials.
Kagaya ng mga posters at tarpaulin sa mga lugar na hindi designated ng Comelec.
Ayon kay Jimenez, hindi pwedeng idahilan na hindi alam ng mga kandidato ang polisiya ng Comelec kaugnay sa campaign posters.
Dahil nagpadala na umano sila ng liham sa mga sa mga kandidato na naglagay ng mga campaign materials sa mga non-common posters area.