HIV-AIDS

DOH, patuloy na nakamonitor sa kaso ng HIV-AIDS sa bansa

National News

NAKAPAGTALA ang Department of Health ng mahigit 12,000 na bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV-AIDS noong 2018.

Mas mataas ito sa bilang na naiulat nong 2017.

Noong Disyembre 2018, nakapagtala ang HIV/AIDS registry ng 877 na bagong kaso.

Dahilan para umakyat sa 11,427 ang bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Ayon sa DOH, 128 sa 877 kaso noong Disyembre ang may “Advanced HIV Infection,” o AIDS.

Sa tala ng DOH, 281 rito ang may edad 15 hanggang 24 anyos habang 479 naman ang mula 25 hanggang 34 anyos.

At ang 162 ay mula sa age bracket na 35 hanggang 49 habang 15 ang lagpas 50 anyos.

Pakikipagtalik pa rin ang pinakadominanteng paraan ng pagpapasa nito sa 98 percent o 861 kaso.

At 88 percent dito ay ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Habang isang porsyento o sampung kaso naman ang naitala mula sa mga nagpapasahan ng karayom para sa mga gumagamit ng droga.

Mula Enero 1984 ay umaabot na sa 62,029 ang mga naitalang kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *