warship

Mga warship ng Estados Unidos sa WPS, ikinadismaya ng China

National News

DISMAYADO ang China sa paglalayag ng dalawang warship ng Estados Unidos malapit sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.

Pumasok umano sa katubigan ng China ang dalawang barko nang walang pahintulot mula sa Beijing.

Ito ay sa isang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying.

Nabatid na naglayag ang mga guided-missile destroyers na USS Spruance at USS Preble malapit sa Spratly Islands.

Bilang bahagi ng umano’y freedom of navigation operation.

Samantala, depensa naman si United States Seventh Fleet Spokesman CMDR. Clay Doss.

Aniya na lahat umano ng kanilang mga operasyon ay sang-ayon sa international law.

Matatandaang inaangkin ng China ang malaking bahagi ng West Philippine Sea.

Kung saan nagtayo pa ito ng mga artificial islands at mga air base sa lugar.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *