heatstroke

Publiko, pinaalalahanan ng DOH sa heatstroke

Health

Bagaman hindi pa opisyal na nagsimula ang panahon ng tag-init o summer, pinaalalahanan ng Department Of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa heatstroke.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ikinu-kunsiderang isang medical emergency ang panganib ng heatstroke.

Sinabi ni Duque na posible magkaroon ng heatstroke ang isang tao kapag

  • maalinsangan ang panahon,
  • lalo na tuwing nag-ehersisyo,
  • direktang nakabilad sa araw at
  • dehydrated ang katawan.

Partikular na pinaalalahanan ng DOH ang mga sanggol, estudyante at mga matatanda na madaling ma-dehydrate.

Bunsod nito, pinayuhan ni Duque ang publiko na limitahan ang paglabas sa bahay lalo na mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon at uminom ng malamig na tubig, sa halip na tsaa, kape, softdrinks at alak.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *