pinsala ng tagtuyot sa agrikultura

Pamahalaang lokal ng Cebu, maglalaan ng P10-M upang matugunan ang kakulangan sa tubig sa kanilang lugar

Regional

Nakatakdang maglabas ng P10 milyong piso ang pamahalaang lokal ng Cebu upang matugunan ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig sa mga bulubunduking komunidad sa lalawigan na dulot ng El Nino.

Ayon kay City Agriculture Department (CAD) Officer-in-Charge, Apple Tribunalo, napagdesisyunan nila na maglaan ng pondo matapos nilang makatanggap ng ulat na nagkabitak-bitak na ang mga lupang taniman sa mga bukid.

Dagdag pa nito, ang mga bukal sa kabundukan ng Cebu na isa sa mga pinagkukunan ng tubig ng mga residente ay natuyo na rin.

Dahil dito apektado ang pagsasaka at paghahayupan na kabuhayan ng mga magsasaka.

Gagamitin ang sampung milyong piso upang bumili ng mga water containers, power sprayers, water pumps, at mga tubo para sa irigasyon.

Mag-aantay naman ang lokal na pamahalaan ng hudyat mula sa pagasa kung idedeklara na nila bilang state of calamity ang 29 na barangay na apektado ng el nino.

 

Ulat ni: Jao Gregorio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *