pinsala ng tagtuyot sa agrikultura

Halaga ng pinsala ng tagtuyot sa agrikultura, pumalo na sa halos kalahating bilyong piso

Regional

Pumalo na sa halos kalahating bilyong piso ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.

Sa datos mula kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kabuuang P464.3-M ang pinsala ng tagtuyot sa mga palayan at maisan.

Apektado nito ang higit labing anim na libong magsasaka sa Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at BARMM.

Sinabi ni Piñol na bagaman nabawasan ang produksyon dahil sa epekto ng tagtuyot ay minimal pa lamang ang pinsala dahil dumating ang el niño kung kailan patapos na ang harvest season.

Una nang ipinag-utos ng kalihim ang pagsasagawa ng cloud seeding sa ilang piling lugar na apektado ng tagtuyot para masolusyonan ang problema sa tubig na pang-irigasyon.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *