jaafar

Pakikiramay at mensahe ng pasasalamat sa pagpanaw ni Jaafar, patuloy ang pagbuhos

National News

Pumanaw na si Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chairman at Moro Islamic Liberation Front (MILF) First Vice Chairman Ghazali Jaafar  sa edad na 75.

Kinumpirma ito nina MILF Chief Al Haj Murad Ebrahim at Professor Raby Angkal, Chief of Staff ng Office of the Chairman ng BTC.

Ala-una kaninang madaling araw ng bawian ng buhay si Jaafar sa Metro Davao Medical and Research Center sa Davao City dahil sa kidney failure.

Dadalhin ang labi ng opisyal sa kanilang tahanan sa Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kamakailan lang ay itinalaga si Jaafar bilang speaker ng parliament ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na produkto ng Bangsamoro Organic Law.

Sa ngayon, patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at mensahe ng pasasalamat mula sa mga kilalang personalidad sa pagpanaw ni Jaafar

Kabilang sa nagpaabot ng pakikiramay sina Senador Jv Ejercito, Nancy Binay, Sonny Angara at Armed Forces of the Philippines Chief Carlito Galvez.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *