Globe Telecom

Globe Telecom, nakaranas ng data at internet service interruption ngayong araw

National News

Kinumpirma ng Globe Telecom na nakaranas ng pansamantalang data at internet service interruption ang kanilang mga customer ngayong araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng Globe Telecom Incorporated na naganap ang service interruption simula kaninang ala 1:30 ng madaling araw hanggang alas 8 ng umaga dahil sa server issue.

Partikular sa apektado ang lahat ng customer ng Globe Postpaid, Globe Prepaid, TM, Globe at Home LTE, At Globe at Home.

Sa ngayon ay naibalik na aniya ang data at internet services.

Humingi naman ng paumanhin ang Globe sa lahat ng mga naapektuhang customer ng service interruption.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *