POWER PLANTS

Mambabatas, nanawagan na papanagutin ang mga power plants na dahilan ng red alert status sa Luzon

Regional

Nananagawan ngayon si House Energy Committee Vice Chairman Rep. Carlos Roman L. Uybarreta sa Department of Energy (DOE) na papanagutin ang mga kompanya na nagmamay-ari ng mga power plants na sanhi ng manipis na reserba ng suplay ng kuryente ngayon sa Luzon grid.

Ayon kay Uybarreta,  dapat managot sa taumbayan ang mga power plants na nagpapabaya sa kanilang plant maintenance kaya pala itong nasisira.

Aniya, dapat papanagutin ng mga energy officials ang mga kumpanya dahil sa kapabayaan nila sa kanilang mga planta dahilan kung bakit naghihirap ngayon ang mga apektado ng power interruption.

Sa kabila niyan ay nananawagan naman ang mambabatas sa mga government offices, businesses at industry na magpatupad ng energy savings program upang makatulong sa pagtipid ng kuryente.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *