Mawawalan ng trabaho

Mawawalan ng trabaho dahil sa Rice Tariffication Law,  pwedeng remedyuhan

National News

Walang mawawalan ng trabaho sa implementasyon ng bagong batas na Rice Tariffication.

Ito ang depensa ni Senador Cynthia Villar kaugnay sa napipintong tanggalan ng mga empleyado ng National Food AuthoritY (NFA) dahil sa implementasyon ng naturang batas.

Ayon kay Villar,  maraming job orders  ang pamahalaan na pwedeng puntahan ng mga matatanggal na NFA regulators.

Pero nauna nang pinawi ng NFA na walang dapat ipangamba ang mga empleyado sa posibleng tanggalan dahil sa election ban.

Sa pagtataya ng NFA, hindi bababa sa 400 manggagawa ng ahensya ang mawawalan ng trabaho kasunod na rin ng pagbawas sa kapangyarihan ng NFA gaya ng pag-iimport ng bigas.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pinal na desisyon kaugnay sa nilalaman ng implementing rules and regulations ng Rice Tariffication Law.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *