pauwi na ng bansa

Apat na pinoy sa Libya, pauwi na ng bansa

National News

Pauwi na ng bansa ang 4 na Pinoy mula sa Libya.

Kinumpirma ni Chargé D’affaires Elmer Cato na dalawang (2) nurses at kanilang mister ay nakatawid na ng Libya-Tunisian Border.

Inaasiko naman aniya ng team mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkuha ng exit clearances ng 29 na iba pang Pinoy at makakauwi na rin ng Pilipinas sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Cato na agad na ililikas ang 15 sa mga ofw na nagta-trabaho sa carpet factory at isang nurse mula sa Ghara kapag nakuha na ang kanilang exit clearances mula sa Libyan authorities.

Gayunman, mas pinili pa rin ng karamihan sa mga Filipino worker sa Tripoli at mga karatig lugar sa Libya na manatili rito sa kabila ng lumalalang sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *