boyzone

Ikatlong concert ng Boyzone sa bansa, inaabangan na ngayong 2019

Showbiz

Muling magpapakilig sa mga Pinoy ang 90’s Irish group na Boyzone.

Balik-bansa ngayong taon ang Boyzone para sa kanilang “Thank You & Goodnight” farewell tour na gaganapin sa Hunyo 23 sa Mall of Asia Arena (MOA).

Ito na ang ikatlong beses na magtatanghal sa bansa ang naturang 90’s heartthrob.

Inaasahang aawitin ng grupo ang mga kanta mula sa kanilang latest studio album gayundin ang awiting “Dream” na tribute sa pumanaw na Boyzone member na si Stephen Gately.

Nakilala ang Boyzone sa love song hits nito tulad ng “Love Me For A Reason”, “No Matter What” at “Everyday I Love You”.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *