Angeles RTC, nag-isyu ng HDO laban kay P/Supt Rafael Dumlao III

Regional

Inisyuhan na ng Hold Departure Order (HDO) ng Angeles Regional Trial Court (RTC) si dating Police Superintendent Rafael Dumlao III na umano’y mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo noong 2016.

Pinagbigyan ng Angeles RTC Branch 56 ang hiling ng Department of Justice (DOJ) na HDO laban kay Dumlao matapos itong payagan ng korte na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Dumlao ay nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with homicide, kidnapping and illegal detention at car napping kaugnay sa kidnap-slay ni Ick Joo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *