brigada eskwela

DepEd, opisyal nang inanunsiyo ang Brigada Eskwela 2019

Regional

Opisyal nang inanunsiyo ngayong araw ng Department of Education  (DepEd) ang simula ng Brigada Eskwela sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Batay sa tala ng kagawaran, opisyal na magsisimula ang Brigada Eskwela sa darating na Mayo a- 16.

Pangungunahan ng Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite ang national kick off ng Brigada Eskwela 2019.

Sentro ng brigada ang temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan”.

Ayon kay Undersecretary Tonisito Umali, ang taunang programa ay bahagi ng mandato ng kagawaran ng edukasyon na ihanda ang mga paaralan, mag-aaral at guro sa pagsisimula ng klase.

Kasama dito ang paglilinis at pagkukumpuni ng mga pasilidad sa bawat paaralan na aniya’y magbubunga ng pagkakaisa ng mga guro at mag-aaral.

Samantala, mahigpit naman na nagpaalala ang DepEd sa pagbabawal ng kagawaran sa pagtanggap ng perang donasyon mula sa mga politiko.

Sa halip ay bukas ito sa pagtanggap ng donations in kind.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *