LPA

LPA, tuluyan ng nakapasok sa PAR ng Silangang bahagi ng Mindanao

Regional

PUMASOK na sa, Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) sa may silangan ng Mindanao, kaninang alas-otso ng umaga.

Huling namataan ang LPA sa silangan ng Surigao City subalit hindi ito maka-a-apekto sa bansa.

Ayon sa Pagasa, maliit din ang tsansa na maging bagyo ang LPA at posible itong malusaw.

Bagaman nalusaw naman kahapon angdalawang LPAs ay makararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa frontal system.

Kabilang sa maaapektuhan nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.

Apektado naman ng localized thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *