Colorado shooting

Suspek sa Colorado shooting, humarap na sa korte

International News

Humarap na sa korte ang 18 anyos na suspek sa Colorado shooting na si Devon Erickson sa Stem School Highlands sa Denver.

Habang ginaganap ang hearing, nakatungo lamang si Erickson.

Sa tuwing tinatanong naman ang binata, ay tumatango at umiiling lamang ito.

Samantala, humarap din sa korte ang isa pang suspek na sangkot sa naturang krimen na pinangalanang si Maya Mckinney, 16 anyos at mas kilala bilang Alec.

Pinagdedesisyunan pa ng korte kung sasampahan ng adult charge si Mckinney.

Samantala, dumipensa ang North Korea sa panibagong hakbang sa pagpapakawala ng isang ballistic missile.

Paliwanag ng NoKor, bahagi lamang ng kanilang military drill ang pagpapakawala ng short-range missile.

Nitong May 4, pinakawalan ng NoKor ang isang short-range missile na itinuturing na isang “tactical guided weapon” na may pagkakatulad sa iskander missile ng Russia.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *