Collin Sexton

CAVS Guard Rookie na si Collin Sexton, darating sa Manila para SA Jr. NBA Finale

Sports

NAKATAKDANG dumating sa bansa sa susunod na linggo ang Cleveland Cavaliers Guard na si Collin Sexton at WNBA Legend na si Ticha Penicheiro para mag-coach sa 2019 Jr. NBA Philippines .

Kabilang sa mga players ay mga kabataan na nasa edad trese hanggang katorse.

Gaganapin ang National Training Camp ng mga participants sa Don Bosco Technical Institute sa Mayo a-dise otso .

Ang mapipiling Most Outstanding Athletes ay sasabak sa kompetisyon ng mga Boys at Girls exhibition game na gaganapin sa SM Mall of Asia Music Hall sa Mayo a-dise nuebe.

Tutulong sina Sexton at Penicheiro sa pagpili sa Top five Boys at five Girls mula sa 80 Finalists na mapapangalanan bilang 2019 Jr. NBA Philippine All-Stars at magsilbi bilang Assistant Coaches para sa Annual Jr. NBA Alumni All-Star Game.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *