Justin Timberlake

Justin Timberlake, nakatakdang tumanggap ng “Contemporary icon” Award

Showbiz

NAKATAKDANG tumanggap ng “Contemporary Icon” award ang American singer at actor na si Justin Timberlake sa 50th Annual Induction gala ng songwriters hall of fame.

Gaganapin ito sa Hunyo a-trese sa Marriott Marquis Hotel sa New York City.

Ang nasabing award ay bilang pagkilala ng nasabing organisasyon kay Justin bilang isang songwriter-artist na gumawa ng Iconic Status sa Pop Culture.

Iniugnay si Justin kina Michael Jackson at George Michael na ginawaran ng nasabing award dahil sa great art ng mga ito sa music at nakagawa ng tatlo o apat na Most Influential Album sa loob ng 15 Taon.

Si Justin ay may 32 Million Albums Sold Worlwide, 10 Grammy Awards at 8 Number One Billboard Hits kung saan lahat ng ito ay kanyang isinulat.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *