Meeting de Avance ng PDP-Laban

Pagsisikip sa ilang bahagi ng Pasig City, asahan na sa Meeting de Avance ng PDP-Laban

Metro News

Sisikip ang ilang bahagi ng Pasig City bukas dahil sa isasagawang Meeting de Avance ng PDP-Laban sa Philsports Complex sa ganap na alas 5:00 ng hapon.

Sa abiso ng MMDA, maapektuhan ang mga bahagi ng Saint Martin Street, Meralco Avenue, Captain Henry Javier Street, Saint Paul at Molave.

Inaabisuhan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga ruta para hindi maabala sa trapiko.

Inaasahan naman na mapupuno ng mga sasakyan ang mga nabanggit na daanan dahil sa dami ng mga supporters na tutungo sa pinakahuling campaign rally ng administrasyon.

 

Ulat ni: MJ Mondejar  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *