pagtali sa puno sa isang Pinay OFW ng kanyang employer sa Saudi

DFA, tikom pa rin ang bibig hinggil sa pagtali sa puno sa isang Pinay OFW ng kanyang employer sa Saudi.

National News

Tikom pa rin ang bibig ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa iba pang detalye kaugnay sa ginawang parusa sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa pamamagitan ng pagtali nito sa puno ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

Ayon sa DFA, kinilala ang OFW na si Lovely Acosta Baruelo ngunit matapos umano itong parusahan ng kanyang amo ay agad naman itong pinauwi na sa bansa.

Dumating ito noong May 9, 2019 bago mag alas 9:00 ng gabi.

Tumanggi namang magbigay pa ng ibang detalye ang DFA kung bakit ganito ang pagkakaparusa sa OFW at kung anong naitulong ng embahada.

Sinasabi kasi na ang employer ng Pinay worker na si Baruelo ay isang Saudi royalty at lumalabas sa mga dokumento na ang emplotyer niyo ay ang Princess Watfuh Saud Abdulaziz Al Saudi.

 

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *