hidilyn diaz

Hidilyn Diaz at pamilya nito, nangangamba sa posibleng banta sa kanilang buhay

Sports

Nangangamba na ngayon ang olympian na si Hidilyn Diaz at pamilya nito dahil sa pagdawit sa kaniyang pangalan sa bagong inilabas na drug matrix laban kay President Rodrigo Duterte.

Giit ni Diaz, itigil na ang pagsasangkot sa kaniyang pangalan dahil wala siyang kinalaman sa nasabing alegasyon.

Ayon pa kay Diaz, maliban sa kaniyang seguridad ay nangangamba din siya sa seguridad ng kaniyang mga magulang at buong pamilya.

Ani Diaz, sana ay maintindihan ng palasyo ang sakripisyo niya para sa bansa.

Sa mga nagdaang patimpalak na sinalihan nito, nakapag-uwi ito ng karangalan sa bayan.

Nauna nang naninidigan si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi ito hihingi ng tawad sa pagdawit sa mga pangalan nina Diaz kasama na ang tv personality na si Gretchen Ho.

Ngayon ay abala ang kampo ni Hidilyn para sa 2020 Tokyo Olympics

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *