sambayanang Pilipino

Polling precinct ni Pangulong Duterte sa Davao City, bantay sarado

Regional

Bantay sarado na ng mga otoridad ang Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City kung saan boboto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon ay nagdeploy na ng mga bomb snipping dogs ang PNP upang linisin ang lugar sa anumang banta sa seguridad ng pangulo.

Walo hanggang sampung libong botante kabilang ang pangulo ang inaasahang boboto sa naturang paaralan.

Nakarehistro ang pangalan ni Pangulong Duterte sa Precinct 361 kung saan ito boboto.

Sinabi ng mga election officers na hindi nila bibigyan ng special treatment ang pangulo sa pagboto.

Ayon sa mga election officers, tulad ng ibang mga botante, hahanapan ng identification card o ID ang pangulo bago ito makaboto.

Wala namang inilagay na special na upuan ang Comelec para sa pagboto ng pangulo.

Sa abiso ng Malakanyang, mamayang hapon boboto ang pangulo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *