aberya sa halalan

COMELEC, nag sorry sa nangyaring aberya sa halalan

National News

Agad na nag sorry ang Comission on Elections (COMELEC) sa nangyaring aberya sa halalan kahapon kaugnay sa naitalang sirang SD cards at nagkaproblemang VCM machines.

Sa isang press briefing sa PICC kani-kanina lamang ay humingi ng paumanhin si COMELEC Chair Sheriff Abas sa mamamayang Pilipino.

Sa tala ng COMELEC, aabot sa 961 na vote counting machines (VCM) ang nagka aberya habang 1665 naman na SD cards ang nasira nationwide kahapon.

Bagama’t 1.1 % lamang ang nasira sa bilang ng VCMs at 1.9 % naman sa SD cards ay humingi pa rin ng paumahin si Abas sa libo-libong apektadong mamboboto.

Sa huli ay sinabi ni Abas na agad na iimbestigahan ng COMELEC ang issue sa mga depektibong VCMs at SD cards matapos ang bilangan sa halalan.

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *