allan cayetano

Bagong halal na si Alan Peter Cayetano, naghahanda na sa Kongreso

Metro News

Pinaghahandaan na ni Congressman Elect Alan Peter Cayetano ang Kongreso.

Ito’y matapos na manalo sa 1 st district ng Taguig City si Cayetano laban sa katunggali nitong si Allan Cerafica.

Nakakuha si Cayetano ng 91,993 na boto habang, si Cerafica naman ay nakakuha lamang ng 30,000 na boto.

Samantala, matagal nang pinaghahandaan ng dating foreign affairs secretary ang kongreso, partikular na ang bulong-bulungang siya ang susunod na speaker of the house.

Nauna nang siniguro ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na susuportahan nito ng speakership ni Cayetano.

Pero para kay congressman elect Alan Peter Cayetano handa siyang sundin at igalang kung sinuman ang pipiliin nitong susunod na Speaker of the House sa susunod na Kongreso.

Basta aniya ang mahalaga ay masunod ng House Speaker ang gusto ni pangulong Duterte.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *