ROWENA GUANZON

Comelec, sinisingil ng bayad sa mga bagong ipinalit na SD Cards

National News

Sinisingil ‘di umano ng supplier ng SD card na S1 ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa nagastos nito matapos mag-deliver ng panibagong SD cards matapos ang nangyaring malawakang pagkasira ng mga ito sa kasagsagan ng transmission ng mga datos.

Pero nanindigan si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi magbabayad ang ahensiya sa hinihinhing danyos ng S1.

Ani Guanzon, responsibilidad ng supplier na gawing maayos ang serbisyo nito lalo pa’t isang pambansang kaganapan ito.

Ayon kay guanzon agad na nagdeliver ng isanglibong kopya ng bagong SD Cards ang S1 sa mga apektadong lugar o polling centers.

Matatandaan na 1,000 SD Card ang hindi gumana na nagdulot ng pagkaantala ng bilangan ng boto sa national posts.

Kaugnay nito ilang VCMs din ang pumalpak sa halalan na kasalaukuyan na rin bahagi ng imbestigasyon ng Comelec.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *