honoraria ng mga gurong nagsilbi

DepEd, kakalampagin ang COMELEC para maibigay ang honoraria ng mga gurong nagsilbi ngayong eleksyon

Metro News

Kakalampagin ng Department of Education (DepEd) ang Commission on Elections (COMELEC) upang maibigay on-time ang honoraria ng mga gurong nagsilbi bilang election inspectors sa nagdaang 2019 mid-term elections.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, dapat maibigay ng Dep-Ed ang honoraria 15 araw pagkatapos eleksyon.

Aniya, patuloy silang magpapa-alala sa poll body sa kanilang obligasyon sa mga guro.

Sa election monitoring app ng DepEd, nakatanggap ng 632 na report ang kagawaran hinggil sa mga hindi nabayarang honoraria at allowances.

Bagay na dapat matugunan ng COMELEC.

Sa ilalim ng Election Service Reform Act, makatatanggap ng P6,000 ang mga gurong nagsilbi bilang Election Board Chairperson, P5,000 Electoral Board Member, at P4,000 hanggang P2,000 sa mga support staff.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *