Prof. Danilo Arao

Eleksyon 2019, pinakamalalang Automated Election – Kontra Daya

National News

Ayon sa isang grupo mas malala pa ang naging problema ng Automated Election ngayong taon kumpara sa 2010, 2013 at 2016 election.

Ito ang tahasang sinabi ni Professor Danilo A. Arao, Convenor ng grupong Kontra Daya kung saan ang katatapos na eleksyon ang maituturing aniya na pinakamalalang automated election sa kasaysayan ng bansa.

Paliwanag pa ni Arao, ang 2019 election ang may pinaka-maraming nag-breakdown na Vote Counting Machines (VCM), maraming kapalpakan sa implementasyon ng pilot testing ng Voter Registration Verification Machine (VRVM), mas matindi ang vote buying, red-tagging at red-baiting.

Kabilang din sa mga nangungunang reklamo ng mga concerned citizen sa naganap na halalan ay ang talamak umano na vote buying.

Sa biyernes, magsasagawa naman ng kilos protesta ang grupo sa PICC para kondenahin ang umano’y malawakang pandaraya na nangyari nitong Mayo 13 at para ipakita ang patuloy na paglaban ng taumbayan para protektahan ang sanctity ng mga balota.

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *