BRIZZA ROSALES

Grupong LENTE, patuloy parin ang monitoring at pagbibigay ng legal assistance

National News

Patuloy pa ring tumatanggap ng reports ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) lalo na sa top election offenses.

Ayon kay Brizza Rosales, Senior Project Officer ng LENTE, maliban pa aniya sa kanilang ginagawang monitoring at random manual audit, kung saan bukas din ang kanilang opisina para sa legal assistance.

Inihayag pa ni Rosales na mas malaking bilang ng vote buying ang kanilang naitala sa mga maliliit na munisipalidad kung saan aniya mas malaki ang bigayan tulad na lang sa Northern Samar.

“Maraming kaming na receive na vote buying incidents kaya lang as of now wala pa yung willing compalinant …willing witnesses na gustong magfile ng cases.” Ang tinig ni Rosales

Pero sa ngayon ani Rosales ay wala pang willing complainants at witnesses ang lumapit na gustong maghain ng kaso.

Kung kaya, hindi pa nila agad ma-attribute ang pananagutan ng isang kandidato sa parte ng isyu ng vote buying.

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *