Isko Moreno

Manila Mayor Elect Isko Moreno, walang balak magreklamo sa kampo ni Erap Estrada

Metro News

Walang balak na maghabla ng anumang kaso o reklamo si Manila City Mayor Elect Isko Moreno laban sa kampo ni dating Mayor Erap Estrada.

Ito’y kaugnay sa mga naitalang harrassment na naranasan ng kampo nina Moreno mula sa mga tagasuporta ni Mayor Erap.

Sa kaniyang unang panayam bilang elected mayor, sinabi naman nito na wala na siyang balak na habulin ang mga paninira laban sa kanila bagkus isang bagong pamahalaan sa Maynila ang aasikasuhin nito kasama ng kaniyang nagwaging bise alkalde na si Honey Lacuna.

Dagdag pa ni Mayor Isko, mas nakababata naman siya kaya siya nalang ang uunawa sa mga pangyayari.

Ilan naman sa mga prayoridad ngayon ng Isko-Honey tandem ang pagtugon sa problema ng basura, iligal na droga at pensiyon ng mga Manilenyo.

Nanalo si Isko at Lacuna na may kalamangan ng mahigit sa limampung (50%) porsyento mula sa opisyal na nakuha nitong boto sa buong Maynila.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *