Atty. Macalintal

Pagpapalabas ng Survey para sa mga pulitiko, nais ipagbawal – Macalintal

National News

Umaasa si Election Lawyer Romy Macalintal na hindi na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalabas ng survey para sa mga pulitiko sa susunod na halalan.

Aniya unfair ito sa mga mahihirap na pulitiko na walang kakayahang gumawa o magpalabas ng survey para makilala.

Payo ni Macalintal na pag-isipan ng Comelec ang pagkakaroon ng voters education para sa mga botante para sa tamang pagpili ng iboboto.

Suhestyon pa ni Macalintal na dapat magkaroon ng voters education sa curriculum ng mga high school student para hanggat maaga pa lang ay magkaroon na ang bansa ng mga quality voters.

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *