Ako Bicol Partylist, nasa pangalawang pwesto na sa partial official results na inilabas ng Comelec

National News

Nasa ikalawang pwesto na ang Ako-Bicol Partylist batay sa pinakahuling bilang ng National Board of Canvassers para sa mga partylist organizations na tumakbo ngayong 2019 midterm elections.

Sa huling tala ng Commission on Elections (COMELEC) as of March 15, nasa 501,211 votes na ang nakuha ng AKB na isang re-electionist party.

Ang resulta ng 2nd Day of canvassing sa mga partylist ay taliwas sa resulta ng partial unofficial tally ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting-Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (PPCRV- KBP) kung saan nasa ikatlong pwesto lamang ang Ako Bicol na sumunod sa Bayan Muna.

Nanatili namang number 1 partylist ang ACT- CIS na mayroon ng 1,361,983 votes sa partial official count.

Nasa ikatlong pwesto naman ang:

  • Bayan Muna: 498,599
  • Cibac: 356,729
  • Probinsyano Ako: 298,936
  • Ang Probinsyano: 296,500
  • 1Pacman: 273,606
  • Senior Citizens: 246,696
  • Gabriela: 229,254
  • COOP-NATCCO: 218,054

Matatandaan na ang Ako Bicol ang number one Partylist sa nagdaang 2016 Presidential Elections at mayroon itong tatlong kinatawan sa Kamara.

First nominee dati ng AKB ang pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe na binaril at namatay noong Disyembre 2018.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *