Basurang itinambak ng Canada sa Pilipinas

Basurang itinambak ng Canada sa Pilipinas, hindi pa rin nakukuha

National News

Hindi pa rin nakukuha ng Canada ang kanilang tone toneladang mga basura na itinambak dito sa Pilipinas ilang taon na ang nakalilipas.

Kahapon ang deadline na unang sinabi ng pangulo na dapat ay hakutin ng Canada ang kanilang mga basura.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na maaabala nang kaunting panahon ang paghahakot ng Canada ng kanilang basura dahil may mga kailangan pang prosesong dapat gawin o mga inihahandang dokumento para rito.

Gayunman, sinabi ni Panelo na ang mahalaga na wala nang dapat ipag-alala dahil pumayag na at may commitment na ang Canada na kuhanin ang kanilang mga basura.

Hindi lamang masabi ni Panelo kung kailan aktuwal na makukuha ng Canada ang kanilang tone-toneladang basura.

Posible aniyang abutin pa ng isa hanggang dalawang linggo ang pagka antala bago tuluyang mahakot ang mga basura pabalik sa Canada.

 

Ulat ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *