graduating students na magtanim

Batas na mag-oobliga sa mga graduating students na magtanim bago magtapos, pasado na sa Kamara

National News

Pasado na sa 3rd and final reading sa Kamara ang House Bill 8728 o ang “Graduation Legacy for the Environment Act” na nag-oobliga sa mga graduating students na magtanim ng punong kahoy bago magtapos.

Mandato ng panukala na magtanim ng tigsasampung (10) punong kahoy ang mga graduating students sa elementary, high school, maging sa kolehiyo.

Layon ng panukala na maipromote sa mga estudyante ang environmental protection, biodiversity, climate change mitigation, poverty reduction, at food security.

Layon din ng panukalang ituro sa mga kabataan ang environmental responsibility bilang isang mamamayan na may malasakit sa kalikasan.

Umaasa ang kamara na sa milyon-milyong bilang ng mga mag-aaral na magsisipagtapos kada taon, ay magkakaroon din ng 175 million na bagong tanim na punong kahoy kada taon para maagapan ang climate change.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *