Kaunting pulitika

Kaunting pulitika at mas maraming negosyo, kailangan sa pag-unlad ng bansa ayon sa Think-Tank IDSI

National News

Dapat pairalin sa bansa ang mas kaunting pulitika ngunit maraming negosyo at teknolohiya.

Ito ang binigyang-diin ni George Siy, Think-Tank Integrated Development Studies Institute (IDSI) President, upang tuluy-tuloy aniya ang pag-unlad ng bansa.

Dagdag pa ni Siy, napakahalaga ng pagpili ng mga tamang lider para sa halalang ito upang matulungan ang milyun-milyong pilipino na mai-angat ang kanilang pamumuhay.

Kasabay din nito ang pagbabago ng kultura sa mabuti at makabagong paraan lalo pa’t bumibilis na rin ang kanya-kanyang pag-unlad ng mga karatig rehiyon.

Inihayag pa ni Siy na nasimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maitakda ang Pilipinas sa tamang direksyon kung kaya nararapat lamang na maibahagi ang tungkulin ng bawat isa upang tuluyang mai-angat ang ekonomiya ng bansa.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *