Election Campaign Materials

Mga Election-related materials na umabot ng 168.84 tonelada nakolekta ng MMDA

Metro Manila

UMAABOT na sa 168.84 tonelada ng election-related materials ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula Marso 1 hanggang Mayo 14 sa ilalim ng Oplan Baklas Operation.

Kabilang dito ang 21,700 na piraso o katumbas ng 23.42 toneladang election-related campaign materials na nakolekta ng mga dump trucks sa Metro Manila isang araw pagkatapos ng halalan.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, target nila ngayong linggo na matanggal lahat ang mga nakakabit na mga posters at tarpaulin ng mga kandidato

sa mga pangunahing kalsada at pampublikong paaralan sa Metro Manila.

Ito ay para paghandaan naman ang pagbubukas muli ng klase sa susunod na buwan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *