Dong Mangudadatu

Senador Manny Pacquiao, ikinalungkot ang hindi pagpasok ni Dong Mangudadatu sa Magic 12

National News

Kasabay ng pagpapasalamat sa mga sumuporta sa PDP-Laban slate na MabagoKoTo, ikinalungkot din ni PDP-Laban Campaign Manager Manny Pacquiao ang hindi pagpasok ni Dong Mangudadatu mula sa limang inendorso ng kanilang partido.

Paliwanag ni Senator Manny Pacquiao, kasabay ng pag-amin nito na nagkulang ang kanilang partido sa pagpapakilala kay Mangudadatu hindi tulad ng mga kasamahan nito sa karera na kilala sa pulitika.

Naniniwala din ang senador na posibleng may epekto din ang pagkakahati-hati ng muslim at kristiyano sa bansa kung bakit nahirapan na ipakilala si Dong ng PDP-Laban Party.

Bagay na inalmahan ni Pacquiao dahil hindi dapat na ganito ang maging relasyon ng mga Pilipino sa bansa.

Umaasa si Pacquiao na mabibigyan naman ng posisyon si Mangudadatu depende sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *