Senate President Tito Sotto, nanindigan na kapanipaniwala ang halalaan sa likod ng mga aberya

National News

Sa kabila nang mga naging aberya, naniniwala si Senate President Tito Sotto III na kapanipaniwala ang halalan sa nagdaang Mayo 13.

Sa press conference sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Sotto na maliit lamang na porsyento ang naging aberya sa eleksyon at na highlights lamang ito sa social at mainstream media.

Kaugnay nito ay hinamon naman ng batikang senador ang mga nagdududa sa resulta na magpakita ng ebidensya ng pandaraya.

Sa kabila nito ay suportado naman ni Sotto ang imbestigasyon sa halalan upang masagot na aniya ang mga kwestyon laban sa kredibilidad at integridad ng eleksyon.

Sa June 4 nakatakdang magpulong ang Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System upang imbestigahan ang mga naging aberya sa halalan.

 

Ulat ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *