manipis na reserba ng kuryente

Ilalagay sa Yellow Alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente ngayong Araw

Metro News

MANIPIS na naman ang reserba ng kuryente ngayong araw batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Isasailalim simula mamayang ala una ng hapon hanggang alas tres ng hapon ang Luzon Grid sa Yellow Alert.

Ayon sa NGCP, mayroong 12,034 Megawatts na Available Capacity sa kuryente habang ang Peak Demand naman ay 11,112 #megawatts.

Samantala, ihahatid ng Department of Energy (DOE) ang iba pang impormasyon ukol sa pagtataas ng alerto.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *