pilipino sa canada

Mahigit 800,000 manggagawang Pilipino sa Canada, protektado pa rin ng Pilipinas-Malakanyang

National News

Matapos na mabigong kunin ng pamahalaan ng Canada ang tone-toneladang basura na iniwan sa Pilipinas sa anim (6) na taong nakalilipas, hindi nawala sa agam-agam ang posibleng epekto ng insidente sa pagitan ng Pilipinas at Canada  partikular na sa kalagayan ng mga Pilipino doon.

Pero pagtitiyak ng Malakanyang, walang dapat na ikabahala ang mga Pinoy workers sa Canada.

Tiyak na maaapektuhan din ang ekonomiya ng Canada kung sa tingin nito’y malaking tulong ang Pilipino sa kanilang lugar.

Bagay na hindi nila gagalawin ang mga Pilipino

Iginiit pa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na mananatiling prayoridad ng bansa ang mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat hindi lang sa Canada kundi saanmang dako ng mundo na may Pilipino.

Batay sa tala, nasa 800, 000 ang mga Pilipino sa Canada habang ang iba ay nagmigrate na at doon na naninirahan.

Sa ngayon, nananatiling maalab ang kagustuhan ni pangulong Rodrigo Duterte na mapaalis na sa lalong madaling panahon ang mga basura sa bansa na nabubulok na sa dumpsite ng Capaz, Tarlac.

Nauna nang binigyan ng panibagong ultimatum ang gobyerno ng Canada ng hanggang dalawa o tatlong linggong palugit.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *