Tangkang pag-imbak ng basura

Pagpapa-uwi sa bansa ng ambassador ng Pilipinas sa Canada, hindi sapat

National News

Hindi sapat na pauwiin sa bansa ang ambassador ng Pilipinas sa Canada bunsod ng isyu sa basura.

Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson dahil ang dignidad ng bansa ay bahagi at kasama ng diplomasya.

Sinabi ni Lacson na ang pagpapahintulot sa Canada na magtapon ng basura sa Pilipinas ay pag-sang-ayon sa kayabangan at superiority ng nasabing bansa.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na pansamantala munang puputulin ang diplomatic presence ng Pilipinas at Canada hangga’t hindi nakukuha ang mga itinapon nilang basura.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *