ipinapanawagan

Pagsalang sa Random Manual Audit ng mga Partylist, ipinapanawagan

National News
MJ Mondejar

NANANAWAGAN si Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin sa Commission on Elections na isalang din sa Random Manual Audit ang mga partylist gaya ng pagsalang ng mga Senatoriables sa auditing.

Ayon kay Villarin, importante na maisalang sa RMA ang mga partylist para matiyak na tugma ang datos mula sa comelec server sa mismong impormasyon na nilalaman ng aktwal na balotang ginamit sa nagdaang botohan.

Samantala, nagulat naman ang mambabatas sa dami ng mga Incumbent Partylist Groups na nanganganib na makabalik sa susunod na kongreso.

Duda din ito sa dami ng mga Partylist mula sa sektor ng enerhiya o na ang iba ay mga electric cooperative na pasok ngayon sa secured seat sa kamara dahil malinaw na wala itong sektor na inirerepresenta.

Isa naman ang Akbayan sa mga partylist na nasa bingit ng kabiguan dahil batay partial official count ng NBOC, nasa pang 55 pwesto pa ang grupo sa 181 na partylist na tumakbo sa eleksyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *