Senator Manny Pacquiao

Sen. Pacquiao inihayag na matagal nang namis-manage ang Sistema ng Pamahalaan

Metro Manila
Pol Montibon   

SA mahabang panahon, ay matagal nang namis-manage ng mga pinuno ng bansa ang sistema ng Pamahalaan.

Ito ang matapang na pahayag ni Senator Manny Pacquiao matapos itong humarap sa isang pulong balitaan kahapon.

Ani Pacquiao, sa susunod na Kongreso ay nais nitong pangunahan ang pagsasaayos na mapababa ang pagbubuwis sa bansa.

Bagay na nagpapahirap sa mga Pilipino dahil sa mataas na mga bilihin at bayarin.

Naisip ng Senador ang palakasin ang GOCC ng bansa bilang ito ay isa lang sa dalawang pinagkukunan ng tiyak na pondo o kita na magsusuplay sa pangangailangan ng mga Pilipino at hindi na kinakailangan pang mangutang ng Malaki.

Kinondena din ng mambabatas ang Privatization ng bansa kung kaya’t sa pagbubuwis nalang bumabawi ang Gobyerno para may pangtustos sa mga proyekto at programa ng Pamahalaan.

Sa mahabang panahon, nakagawian na di umano ng mga pulitiko ang puro salita at wala namang nagagawa.

Pero batid naman ni Pacquiao na malaking bagay ang buwis sa bansa pero hindi dapat na magdulot ito ng paghihirap ng mga Pilipino.

Sinisisi nito ang mga nagdaang Administrasyon sa naging kapabayaan nito sa pagbebenta o pagsasapribado ng mga Korporasyong dating pag aari ng Gobyerno.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *