Sistema ng pamahalaan

Sistema ng pamahalaan, matagal na namis-manage ayon sa isang senador

National News

Sa mahabang panahon, ay matagal nang namis-manage ng mga pinuno ng bansa ang sistema ng pamahalaan.

Ito ang matapang na pahayag ni Senator Manny Pacquiao matapos itong humarap sa isang pulong balitaan kahapon.

Ani Pacquiao, sa susunod na kongreso ay nais nitong pangunahan ang pagsasaayos na mapababa ang pagbubuwis sa bansa.

Bagay na nagpapahirap sa mga Pilipino dahil sa mataas na mga bilihin at bayarin.

Naisip ng senador na palakasin ang Government-Owned and Controlled Corporation  (GOCC) ng bansa.

Ito ay isa lang sa dalawang pinagkukunan ng tiyak na pondo o kita na magsusuplay sa pangangailangan ng mga Pilipino at hindi na kinakailangan pang mangutang ng malaki.

Kinondena din ng mambabatas ang privitization ng bansa kung kaya’t sa pagbubuwis nalang bumabawi ang gobyerno para may pangtustos sa mga proyekto at programa ng pamahalaan.

Sa mahabang panahon, nakagawian nalang daw ng mga pulitiko ang puro salita at wala namang nagagawa.

Pero batid naman ni Pacquiao na malaking bagay ang buwis sa bansa pero hindi ito dapat na magdulot ng paghihirap sa mga Pilipino.

Sinisisi nito ang mga nagdaang administrasyon sa naging kapabayaan nito sa pagbebenta o pagsasapribado ng mga korporasyong dating pag aari ng gobyerno.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *