Vote shaming

Vote shaming, ipinatitigil ng isang mambabatas

National News

Personal na nakikiusap si Opposition Senator Risa Hontiverso sa publiko na itigil na ang vote shaming.

Ayon sa senadora, hindi nakakabuti sa dignidad ng bawat Pilipino na bumuto nitong nagdaang halalan.

Hindi aniya karapat dapat na magtawagan ang lahat ng bobo at tanga dahil lang sa hindi pagpasok ng mga gustong mailuklok sa pwesto.

Sa huli nanawagan si Hontiveros na mahalagang alamin ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) at pamahalaan kung ano nga ba ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng pagpili ng botabte sa isang kandidato at nang hindi na mauwi pa sa sisihan.

Mahalaga din aniya ang pagkakaroon ng malawak na talastasan ng publiko para madagdagan ang kaalaman ng lahat sa mga tamang desisyon lalo na sa panahon ng halalan.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *