proklamasyon

Proklamasyon ng mga nanalong senador at party lists, hindi matutuloy bukas

National News

Proklamasyon ng mga nanalong senador at party lists bukas, hindi na matutuloy.

Ito ang kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) matapos na hindi pa dumating an lahat ng certificate of canvass.

Ayon kay Atty. Frances Arabe, Director III ng COMELEC Education and Information Department, hindi pa kaya ng poll body gawin ang opisyal na anunsyo.

Ito ay dahil may ilan pang Certificate of Canvass (COC) na hindi nakakarating sa COMELEC Command Center.

Hindi pa natatanggap ang mga COC

Sa ngayon ay nasa 13 COC ang hindi pa natatanggap ng National Board of Canvassers (NBOC).

Mula sa 13 pending COCs, 5 dito ay manual ang tranmission na pawang mula sa ibang bansa.

Ang mga ito ay galing sa Oslo Norway, Abuja Nigera, Nairobi Kenya, Tehran Iran at Poland.

Samantala, balak naman ng poll body na gawing isang araw lamang ang proklamasyon .

Kung saan uunahin ang mga partylists representative sa umaga at mga senatoriables naman sa hapon.

Nauna nang sinabi ng COMELEC na hindi kailangang madaliin ang proklamasyon dahil pinag-iingatan ng poll body ang sanctity ng eleksyon.

 

ULAT Ni: MJ Mondejar SMNI News Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *