Dump Truck, tumagilid sa East Service Road sa Muntinlupa City

Metro Manila

TUMAGILID ang isang dump truck sa East Service Road sa Sucat Interchange Muntinlupa City.

Tumapon ang lamang buhangin ng truck matapos na humiwalay ang likuran nito sa tractor head.

Dahil sa insidente, nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Sa abiso ng skyway, mula sa Alabang Viaduct ay masikip na ang daloy ng traffic.

Agad naman nagpadala ng tow trucks at back hoe sa lugar para alisin ang truck at linisin ang tumapong buhangin sa kalsada.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *