Luzon grid, muling isinailalim sa yellow alert 

Regional

Sa ikalawang sunod na araw ngayong linggo, muling inilagay sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.

Naka-yellow alert ang grid simula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at muli itong iiral mamayang ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na nasa 11,163 megawatts ang peak demand sa kuryente ngayong araw habang nasa 11,933 megawatts ang available capacity.

Ang yellow alert ay bunsod ng pagnipis ng reserbang kuryente sa grid

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *