Malinis na tubig at kapaligiran ipinanawagan ng Miss Earth beauties sa pagdaraos ng Brigada Eskwela

National News

MALINIS na tubig at kapaligiran, ito ang panawagan ng Miss Earth Organization sa pakikiisa nito sa Brigada Eskwela ngayong taon.

Ayon kay Berjayneth Gocong Chee, Miss Earth Water Philippines, mahalagang maipaunawa aniya sa kamalayan ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa kapaligiran lalo na sa kailugan na may mahalagang papel sa buhay at hanapbuhay ng nga tao.

Maging siya ay ikinalulungkot ang kakulangan ng inisyatiba ng mga tao na pangalagaan ang mga kapaligiran lalo na ang pagtaas ng kaso ng basura sa iba’t ibang lugar sa bansa partikular na sa mga estero sa ka-maynilaan.

Samantala hindi lang dapat pangangalaga sa katubigan ang nais na mangyari ng mga kinatawan ng Miss Earth kundi ang patuloy na pagtatanim sa ng nga puno bilang pakikiisan sa preserbasyon ng kalikasan hindi lang sa Pilipinas kundi magin TV sa buong mundo samantala maliban sa Miss Earth Organization ay nakiisa din ang pamunuan ng National Youth Commission (NYC) sa brigada eskwela kasabay ng paghimok na maging responsable ang mga kabataan sa pangangalaga ng kalikasan.

Naniniwala naman ang pamunuan ng Dona Juana Elementary School na mahalagang paksa sa bawat eskwelahan sa bansa ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela para matiyak ang kahandaan nito bago ang simula ng pasukan sa Hunyo 3.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *